Intention
Lord, salamat po sa mga nagdaang araw. Salamat at Friday na ngayon. Pahinga na ulit bukas. Sana po ay patuloy Mo akong gabayan sa aking mga gawain. Samahan at tulungan Mo po ako. Lord, sana walang problema po dun sa pinaasikaso sa akin kahapon. Please po. Kailangan ko po Kayo Lord. Palagi. Kayo po ang aking sandigan at lakas. Hindi po ako lalayo sa Iyo. Amen